Tungkol Sa Akin
ANNETTA MAE CRUZ RELADO
Iska, sa pamantasang nagsusunog ng upuan. Biro lang, nasa pamantasang may pakialam sa Bayan. Dalawang dekadang nakikiagaw ng oxygen at nagbibigay ng carbon dioxide. Mula sa Kolehiyo ng Komunikasyon (Broadcast Communication). Kaisa sa mga bumubuo ng sariling musika at literatura. Pusa noong past life. Nakahiligan na kumuha ng mga litrato, kaya ang mga naririto ay orihinal na mula sa akin. Pati ang video na nasa ibaba ay mga kuha ko. (Magulo ito dahil hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang pagkuha ng mga video kapag nanonood ng gigs).
​
Ang Juan Dela Cruz ay tayo—tayong mga Pilipino, at nagkaroon ng Pinoy Rock dahil sa Juan Dela Cruz Band. Malapit sa puso ko ang mga banda. Marahil ay dahil kasama ko ito sa paglaki. Ang mga librong kadalasang binabasa ko naman ay mula sa mga Pilipinong Manunulat. Maging ang mga Pelikulang mas nais ko ay gawang Pilipino. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta na lang natagpuan ko ang sarili kong minamahal ang mga gawang sariling atin. Nagsusulat din ako paminsan-minsan, kapag nangati at sinipag kamutin ay may nagagawa.
​
Mahal kita Pilipinas, kahit na gamit na gamit ka na. Hayaan mong mayakap kita gamit ang mga salitang maisusulat ko pa rito.